P105B bawas-kita: Fuel taxes ‘di sususpindihin – Digong

P105B bawas-kita: Fuel taxes ‘di sususpindihin – Digong

March 17, 2022 @ 8:50 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Finance (DOF) na patuloy na mangolekta ng excise taxes sa produktong petrolyo.

Ito’y matapos na magbabala si Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang suspensyon sa koleksyon o paniningil ng fuel excise taxes ay makababawas sa kabuuang government revenues na P105.9 billion sa taong 2022.

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules, sinabi ng Pangulo na makailang ulit siyang nagpatawag at nagsagawa ng pagpupulong kasama ang kanyang mga Cabinet secretaries dahil ang kanyang desisyon ay base sa kung ano ang magiging rekomendasyon ng mga ito.

“The Cabinet members aren’t there for nothing. Sila ‘yung magtrabaho at ako, I will just decide after reading the reports, then I decide. That’s what I’m here for to talk to the nation,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabi naman ni Dominguez sa Chief Executive na ang panukalang suspensyon sa excise taxes sa fuel products ay naglalayon na puwersahin ang gobyerno na ” humiram ng mas maraming pera” dahil sa posibleng revenue losses.

“In 2023, that goes up to PHP114.4 billion; in 2024, PHP123.6 billion; and so on. For the 10-year average of PHP160.3 billion a year or a total of PHP1.76 trillion for 10 years. This is equivalent to roughly one half of one percent of our GDP (gross domestic product),” ani Dominguez kay Pangulong Duterte.

Idinagdag pa nito na ang tanging mayayaman lamang ang makikinabang sa nasabing panukala.

“The bottom 50 percent of the Philippines, they only consume 13 percent of the fuel. So, cutting the tax will benefit more the people who have cars and the other richer people. We will not be benefitting so much the bottom 50 percent of our population, that will make it very inequitable,” ayon sa Kalihim.

Giit ni Dominguez na mas makabubuti na magbigay ng monthly subsidies ang gobyerno na nagkakahalaga ng P200 bawat isa sa 12 milyong mahihirap na Filipino sa loob ng isang taon.

“So, to summarize again: retain the fuel excise taxes imposed under TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law [and] provide targeted subsidies to the lowest 50 percent of the households in the Philippines, totaling around 12 million people. This will cost PHP33.1 [billion] per — for the first year,” anito.

Aniya pa, ang panukala ng kanyang tanggapan ay “sustainable” at “something that we can afford as of this time.”

Kaagad namang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekumendasyon ni Dominguez.

Ayon sa Pangulo: “So sige, ‘yun ang policy ng executive department.”

Samantala, sinabinaman ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na magpapalabas ng guidelines ang Department of Budget and Management sa kung paano ipamamahagi ang karagdagang ayuda sa mahihirap na filipino.

“Unawain po natin na hindi lahat ay mabibigyan. Uunahin po natin yung most vulnerable sector. Ang most vulnerable at most affected ay ang mga mahihirap nating kababayan at minimum wage earners,” ayon kay Andanar. Kris Jose