P105M tobats nasamsam sa C. Visayas

P105M tobats nasamsam sa C. Visayas

June 27, 2022 @ 8:10 AM 1 month ago


CEBU CITY- Umabot sa P105-M halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkakasunod na operasyon, Linggo sa lungsod na ito.

Kinilala ang dalawa sa mga naarestong suspek na sina Bacalso Felisilda, 46, taga Block 13, Lot 23, Rosa Street, Ilang-ilang, Lindaville Subd., Tagbilaran City, Bohol, at James Plaza Villasquina, 28, taga Langkaan, Dasmarinas, Cavite.

Batay sa report ng Cebu City-PNP, dakong 10:15 AM ikinasa ang buy-bust operation sa daungan ng Osmeña Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City.

Ayon sa pulisya nakatanggap sila ng report hinggil sa pagdating ng mga suspek na galing Maynila.

Nakuna sa mga suspek ang 15,000 gramo na shabu na may street value P102,000,000 at mga drug paraphernalia.

Batay sa report ng Cebu City-PNP, dakong 10:15 AM ikinasa ang buy-bust operation sa daungan ng Osmeña Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City.

Sa magkasunod na operasyon, nadakip ang rin sa Bacong, Negros Oriental, bandang 12:42 AM si Crisanto Ang Sayre, 42, taga Sitio Canday-ong, Brgy. Calindagan, Dumaguete City, Negros Oriental.

Nakuha kay Sayre ang shabu na 200 gramo na may street value 1,360,000 at drug paraphernalia.

Sa Talisay City, nahuli rin sina John Maverick Gabisay, 20, taga Sitio Tunga, Brgy. Tangke at May Faith Bacus Vinculado, 25, taga Sitio Kilawan, Brgy. Tangke.

Dakong 1:28 PM nakuha sa mga ito ang 150 gramo na shabu na may street value na P1,020,000 at drug paraphernalia.

Sa Toledo City naman nadakip rin sina John Roderick Autencio Sollano, 42, at Rutchen Baliguat Buglosa, 39, kapwa taga Dasuna, Brgy. Das, Toledo.

Narekober sa mga ito ang 100.12 gramo na shabu at aabot sa halagang P680,816.

Pinuri naman ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao ang mga kapulisan sa Central Visayas lalo ang mga drug enforcement operatives sa tagumpay na operasyon.

Aniya, nangangahulugan lamang ito na magiging mas agresibo ang PNP operations laban sa iligal na droga at makulong lalo na sa mga high-value personalities at sindikato./Mary Anne Sapico