P105M tulong para sa Paeng victims naipamahagi na ng DSWD

P105M tulong para sa Paeng victims naipamahagi na ng DSWD

November 5, 2022 @ 11:24 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes na mahigit ₱105 milyong  financial assistance na ang naipamigay nito sa mga biktima ng Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).

Hanggang nitong Miyerkules, inilahad ng DSWD na nakapagbigay na ito ng ₱105,646,130.62 halaga ng cash assistance at relief supplies sa Paeng victims.

Inilahad din ng ahensya na mayroon itong stockpile funds at food at non-food supplies na nagkakahalaga ng ₱1.4 bilyon hanggang nitong Oktubre 30.

Hanggang nitong Biyernes, ang bilang ng mga naiulat na nasawi kay Paeng ay umabot na sa 154, kabilang ang 128 injured individuals at 35 na nawawala pa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pumalo naman sa P2.7 bilyon ang pinsala sa agrikultura, habang ang pinsala naman sa imprastraktura ay sumampa sa P2.9 bilyon, dagdag ng NDRRMC.

Isinailalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Bicol region, Western Visayas, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa state of calamity. RNT/SA