P106M Ultra Lotto jackpot target naman ng mga mananaya

P106M Ultra Lotto jackpot target naman ng mga mananaya

October 5, 2022 @ 5:16 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Target naman ng mga mananaya ng lotto ang tumataginting na P106,603,267.20 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Ito ay matapos walang manalo sa winning combination sa bola nitong Martes, Oktubre 4.

Ang maswerteng numero ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay 30-56-50-06-58-25.

Sa kabila nito, limang mananaya naman ang nanalo ng tig-P120,000 at 333 mananaya ang nanalo ng P2,000.

Matatandaan noon pang Agosto 5 huling napanalunan ang jackpot prize matapos makuha ng isang mananaya ang winning combination at makapag-uwi ng P163,365,304.40 nang walang kahati.

Ang bola sa Ultra Lotto 6/58 ay ginaganap tuwing Martes, Biyernes at Linggo ng gabi. RNT/JGC