P108K shabu nakumpiska; 5 arestado

P108K shabu nakumpiska; 5 arestado

July 2, 2022 @ 11:12 AM 1 month ago


COTABATO CITY- Mahigit P108,000 nahalaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa limang naarestong suspek sa sinalakay na drug den sa inilatag na anti-drug operation Biyernes sa probinsyang ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Nash Datumanong Taup alyas Nhas/Nash, Saida Angkal alyas Saida, 42, Mohammad Kamsa alyas Fren, 22, Nasser B. Ungkakay alyas Nas, 65, at Alidin A. Alon alyas Alidin, 27-anyos, pawang residente sa sa Purok, Silangan, Datu Balabaran, Mother Barangay Cotabato City.

Sa pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR), CCPO-PS3, PNP Maritime Group, Joint Task Force Kutawato at HPG-BAR nadakip ang mga suspek sa isang drug den sa nasabing lugar.

Nakuha sa mga suspek ang 17 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 16 gramo at aabot sa halagang P108,800.

Narekober rin sa naturang lugar ang mga drug paraphernalia, buy-bust money, apat na cellphone at identification cards.

Nakakulong ngayon sa custodial facility ng PDEA-BAR Cotabato City ang mga suspek at nahaharap s kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Mary Anne Sapico