P10B dagdag-pondo laan ng Bicam sa sirang paaralan, tulay

P10B dagdag-pondo laan ng Bicam sa sirang paaralan, tulay

December 5, 2022 @ 1:26 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglaan ng dagdag na P10 bilyon pondo ang Bicameral Conference Committee para sa pagpapaayos ng mga nasirang paaralan at tulay dahil sa mga kalamidad.

Ayon kay House appropriations panel chairman at Ako Bicol Representative Zaldy Co, nakatalaga sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapaayos ng mga ito.

“We put another P10 billion for the repair of the bridges na nasira sa calamity and also for the repair of school buildings which have been damaged two years ago pa ‘yung sa Odette sa Siargao, sa Dinagat and now, with the recent typhoon,” sinabi ni Co sa panayam nitong Lunes, Disyembre 5.

“So, we allocated P10 billion para magawa kaagad ng DPWH since sila ang pinakamabilis na infrastructure,” dagdag pa niya.

Maliban sa imprastruktura, tinaasan din ang badyet para sa mga state universities at colleges maging sa judiciary.

Ngayong araw lamang ay inaprubahan na ng bicameral panel ang consolidated version ng proposed P5.268-trillion na 2023 budget at ngayon ay nakahanda na sa plenary debates ng Senado at Kamara. RNT/JGC