P10B droga nasamsam sa unang 6 buwan ni PBBM

P10B droga nasamsam sa unang 6 buwan ni PBBM

January 6, 2023 @ 8:18 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakasamsam ang gobyerno ng Pilipinas ng aabot sa P10 bilyong halaga ng iligal na droga sa buong bansa sa unang anim na buwan ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay ayon sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes.

Sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na naaresto rin ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 30,000 drug suspects sa 24,000 illegal drug operations, na kinabibilangan ng mga pulis at miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Aniya, kakaunti rin ang kanilang naitala na namatay mula sa mga operasyon ng pulisya laban sa droga sa loob ng anim na buwan. RNT