P10B NTF-ELCAC fund ‘wag nang ibalik; ipang-ayuda na lang-solon

P10B NTF-ELCAC fund ‘wag nang ibalik; ipang-ayuda na lang-solon

December 2, 2022 @ 9:57 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Tutol si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ibalik pa sa sa 2023 na panukalang badyet ang P10 bilyong alokasyon para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Binigyang diin ni Castro na dapat na lamang i-realigned upang gawing ayuda sa mga mahihirap na pamilya.

“Samantalang kung buong ire-realign ang P10 bilyong ito sa ayuda ay 1 milyong pamilyang Pilipino ang makakakuha ng P10k.Katumbas ito ng 5 milyong Filipino.”

Reaksyon ito ng kongresista sa magkakaibang pananaw ng mga mambabatas sa bicameral conference committee kung dapat ba o hindi dapat ibalik ang nabanggit na badyet para sa ahensya na noong una pa man ay tinutulan na ng Makabayan Bloc sa Kamara.

“Pinagdebatehan at binusisi ang budget na yan ng NTF-ELCAC at nagdesisyon ang buong plenaryo na bawasan ang budget nito tapos isasangtabi lang ito ng ganun na lang? Para saan pa.ang debate at interpelasyon? Wala na bang demoktasya maging sa Kongreso at kung ano na lang ang gusto ng nasa itaas ang masusunod?,” ayon kay Castro.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na bigo aniya ang NTF-ELCAC na maisakatuparan ang mga proyektong pinaglaanan ng mga badyet sa nagdaang mga taon gaya aniya noong 2021 at sa kasalukuyan.

“What’ s more is that the NTF-ELCAC is not equipped for the projects that was placed under it. In 2021 only 48 percent of.its projects under the Support for Baranggay Development Program were completed and in 2022 only 2% were completed!! Ano ba naman yan kailangangang-kailangan ng ayuda ng mga kababayan natin tapos nagsasayang ng pera NTF-ELCAC tapos bibigyan pa ng buong P10 B budget?.”

Iginiit pa ni Castro na ang pagpapanumbalik sa badyet ng ahensya ay lalabas na pagkonsinti na rin aniya sa ipinapatupad na re-tagging ng NTF-ELCAC at mahinang performance.

“If the NTF-ELCAC budget is restored it seems that Congress is rewarding incompetence and red-tagging but did not address the real cause of the armed conflict and not directly aided our long suffering people. I hope that the House leadership would reconsider so that people will see that Congress would help them get aid rather than waste their hard earned money on red-taggers.” Meliza Maluntag