P10K ayuda sa unemployed OFW sa pandemya, sisimulan sa Enero 1

P10K ayuda sa unemployed OFW sa pandemya, sisimulan sa Enero 1

December 10, 2021 @ 6:48 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Sa susunod na taon na sisimulan muli ang pamamahagi ng cash assistance sa overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho sa pandemya.

Base ito sa anunsyo ng Overseas Welfare Workers Administration.

“Effective Jan. 1, dahil sa pagpasok ng 2022 budget, magpapatuloy ang distribution ng AKAP,” ani OWWA Administrator Hans Cacdac.

Dagdag ni Cacdac na ang kautusan ay nagmula mismo kay Labor Secretary Silvestre Bello III, at napag-usapan na umano nila ito.

Ang Abot Kamay ang Pagtulong or AKAP program, ay nagbibigay ng one-time emergency grant na $200 o ₱10,000 sa OFWs na nawalan ng trabaho sa pandemya.

Nasa 540,000 OFWs na ang nabigyan ng ayuda  ayon sa OWWA. RNT