P10K maximum bail sa indigent respondents itinakda ng DOJ

P10K maximum bail sa indigent respondents itinakda ng DOJ

February 21, 2023 @ 6:49 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) ang bagong alituntunin sa pinababang piyansa sa mga mahihirap na hindi dapat tataas sa P10,000.

Nakasaad sa Department Circular 011, ang prosecutor sa mga kaso na kinasasangkutan ng indigent respondents ay dapat lamang magsaad ng 50 porsiyento ng inirekomendang piyansa gaya ng nakasaad sa 2018 Bail Bond Guide, o PHP10,000, alinman ang mas mababa.

Epektibo ang bagong tuntunin sa lahat ng kasong sumasailalim sa inquest o preliminary investigation ng mga indigents kung hindi kasama sa mga ito ang parusang kamatayan, reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.

Ang pinababang piyansa ay tinitingnan upang maiwasan ang pagkulong ng mga indibidwal para sa mga krimen na sa katunayan ay maaaring piyansa ngunit hindi kayang bayaran ang halagang itinakda ng korte sa inirekomendang piyansa. RNT