P10M halaga ng ‘tsongki’ nasabat sa 3 tulak

P10M halaga ng ‘tsongki’ nasabat sa 3 tulak

October 19, 2022 @ 4:23 PM 1 month ago


Bulacan – Tinatayang nasa P10,000,000 halaga ng iligal na droga ang umanoy nasamsam sa tatlong pinaghihinalaang tulak sa joint buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Guiguinto at Obando.

Kinilala ni OIC Bulacan police, PCOL. Relly Arnedo ang mga naarestong suspek na sina Ellterio Pazon Jr, 28, Hazel Domingo kapwa residente ng Masagana Homes, Brgy. Sta. Rita, Guiguinto.

Sa report ng Guiguinto police, kasama nila ang Provincial Intelligence Unit nang ikasa ang operasyon bandang alas-3:15 ng madaling araw nitong Oktubre 19, sa naturang lugar.

Ayon sa report, matapos ang transaksyon ay nakarekober ang mga awtoridad kay Pazon ng 15 pcs marijuana plastic wrapped na may timbang na 15 kg at ang P500 marked money.

Nasamsam rin umano ky Hazel ang 15 pcs marijuana brick na aabot sa 15 kg kaya umabot sa kabuuang 30 kg at nagkakahalagang P3,600,000.00.

Bandang 4:35 ng madaling araw sa kaparehong petsa at operasyon, nahuli naman ng mga pulis si Allan Lucero, 31, Tourist Guide, residente ng Brgy. Hulo, Obando.

Sa report ni Obando Acting chief of police PMaj. RestitutonGranil, matapos makipagtransaksyon, nasamsam sa target ang 66 pcs ng marijuana bricks na tumimbang ng 53 1/2 kgs na nagkakahalaga ng P6,420,000.00 at P2,000 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulog sa istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III