P10M shabu kumpiskado sa Lanao del Sur

P10M shabu kumpiskado sa Lanao del Sur

June 11, 2022 @ 10:00 AM 2 weeks ago


LANAO DEL SUR- Arestado ang tatlong high value target matapos makuhanan ng higit sa P10 milyon na halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga nadakip ang suspek na sina Amersab Ebra Macabato ; Hadji Raifa Rasul at Faiza Hadji Raof alyas Madam; pawang mga residente ng Barangay Dilimbayan Lanao Del Sur.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) Regional Director Rogelito Daculla, naaresto ang mga suspek sa ipinatupad na search warrant implementation laban sa mga suspek kasama ang pulis at militar.

Nakuha sa mga suspek ang shabu na may bigat na 1,500 gramo na nagkakahalaga ng P10.2 milyon,mga drug paraphernalia, pera na P10,000, identification cards, cellphone, mga bank book at isang unit ng kulay Tangerine na Nissan Navara pickup.

Sinabi ni Daculla matagal na nilang minamanmanan ang mga kilos ng mga suspek nang magpositibo agad na ipinalabas ang search warrant laban kina Macabato.

Kasalukuyan nakakulong sa costudial facility ng PDEA-BAR Cotabato City ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico