P11.1M cash aid sa Batanes typhoon victims, ibinigay ng NHA

P11.1M cash aid sa Batanes typhoon victims, ibinigay ng NHA

December 23, 2022 @ 11:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinigay na ng National Housing Authority (NHA) sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) nito, ang nasa P10.95 milyon na cash aid sa lokal na pamahalaan ng Batanes para sa 907 na pamilyang apektado ng bagyong Kiko noong Setyembre.

Personal na iniabot ni NHA Officer-in-Charge Roderick Ibanez ang naturang cash grant kay Batanes Provincial Planning and Development coordinator Marissa Antonio.

Ani Antonio, nasa 75% ng mga pamilya sa Batanes ang apektado ng bagyong Kiko dahil ang mga tirahan nito ay gawa sa light materials.

Ang naturang cash assistance umano ay malaking tulong na sa mga pamilya sa pagpapaayos ng mga nasirang tirahan.

Sa ilalim ng EHAP ng NHA, nagbibigay ng ayuda ang ahensya sa mga pamilyang naapektuhan o nasira ang tirahan dulot ng mga kalamidad tulad ng lindol, bagyo, baha, sunog kabilang ang iba pang man-made calamities. RNT/JGC