P11.5M crisis aid hatid ng US gov’t

P11.5M crisis aid hatid ng US gov’t

October 7, 2022 @ 5:29 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Namahagi ang pamahalaan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAid) ng kabuuang P11.5-milyon o $200,000 halaga ng humanitarian assistance, response supplies at mga kagamitan bilang tulong sa Surigao del Norte.

Ayon sa US Embassy sa Manila, ito ay upang tulungan na makabangon sa epekto ng nagdaan bagyong Odette at COVID-19 pandemic ang naturang probinsya.

Mismong si USAid Philippines health office director Micelle Lang-Alli at Bureau of Humanitarian Assistance officer Rachel Gallagher ang nagbigay ng nasabing halaga sa pamahalaan panlalawigan ng Surigao del Norte sa pangunguna ni Gobernador Robert Lyndon Barbers.

Kabilang dito ang 28,000 rapid antigen test kits, 10 generator at field tents, 22 laptop na may kasamang router, 50 oxygen tanks at 10 oxygen concetrators.

Mayroon rin ibinigay na vital sign monitoring equipment para sa mga rescue operations.

Matatandaan na maliban sa P11.5-milyon halaga ng donasyon ng Estados Unidos, nagbigay rin ito ng mental health at psychosocial support kits sa mga pamilyang naapektuhan at posibleng na-trauma sa bagyong Odette. RNT/JGC