P11.5M undeclared agri products nasabat sa Maynila

P11.5M undeclared agri products nasabat sa Maynila

December 16, 2022 @ 7:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan mula sa Bureau of Customs ang nasa P11.5 milyon halaga ng undeclared agricultural products sa Manila International Container Port (MICP).

Sa pahayag nitong Huwebes, Disyembre 15, sinabi ng BOC na ang mga produkto ay nakuha mula sa anim na kargamento na dumating sa bansa noong Nobyembre 18 mula sa Hong Kong na nakapangalan sa Victory JM Enterprise OPC.

Nang makakuha ng impormasyon na ang mga kargamento ay posibleng naglalaman ng mga agricultural products, misdeclared items at undeclared items ay agad na nagpalabas ng Pre-Lodgement Control Orders at Alert Orders ang Office of the District Collector para rito.

Ayon sa BOC, nadiskubre nila mula sa mga ito ang samu’t saring undeclared agricultural products, unmanifested frozen tofu, chicken paw, boneless beef, Vietnamese suckling pig, beancurd skin, undeclared fresh white onions, undeclared frozen fish tofu, at frozen beef cheek meat, na dapat ay may permit mula sa DA.

Dahil dito ay naglabas na ang MICP ng Warrants of Seizure and Detention laban sa naturang kargamento sa paglabag sa Section 117 at 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act at DA regulation noong Disyembre 2, 5 at 7. RNT/JGC