P11 minimum fare sa jeep, ihihirit sa Enero

P11 minimum fare sa jeep, ihihirit sa Enero

December 27, 2019 @ 12:02 PM 8 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ihihirit ng ilang transport group ang pagdaragdag ng minimum sa pamasahe sa jeep sa unang apat na kilometro sa pagpasok ng buwan ng Enero.

Mula sa minimum na P9 ay magiging P11 na ito.

ayon kay Pasang Masda president na si Obet Martin, tataas kasi ng P1.50 kada litro ang presyo ng krudo sa Enero 1 dahil sa tax reform law.

Masyado aniyang mabigat sa bulsa ng mga tsuper ang naturang pagtataas sa maliit na kinikita sa 16 oras na pagpasada.

“Kung puwedeng magpasensiya, kung puwedeng magtiis sa kaunting-kaunting kinikita, may maiuwi lamang, nagtitiis kami. Pero itong klaseng ito, hindi na po kaya,” saad naman ni Fejodap president Zeny Maranan.

Sinabi rin nito na maaaring pumalo sa P12 ang hirit na minimum fare kung sakaling aabot sa P49 ang kada litro ng diesel.

Samantala, ipinangako naman ni Maranan na hindi magsasagawa ng transport strike ang kanilang mga grupo sakaling hindi mapagbigyan ang pagpasa sa taas-pasahe.

“Papahirapan na nga sa taas ng pasahe, pahihirapan pa ba natin sila sa kanilang pagsakay ng jeep patungo sa kanilang hanapbuhay,” aniya sa isang panayam. Remate News Team|FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...