P111M marijuana winasak sa Kalinga

P111M marijuana winasak sa Kalinga

July 28, 2022 @ 9:42 AM 2 weeks ago


KALINGA- Nagkakahalaga ng P111,600,000 ang winasak o sinunog ng mga awtoridad na fully grown marijuana plants mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana sa ilang lugar sa bayan ng Tinglayan ng lalawigang ito kahapon, Hulyo 27.

Nabatid na nagsasagawa ng Marijuana Eradication Operation sa Brgy. Tulgao West nang makadiskubre ang tatlong plantation sites na natatamnam ng fully grown marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P24 milyon.

Matapos nito ay nadiskubre rin ng mga awtoridad ang dalawang plantation sa Brgy. Loccong ng naturang bayan na natatamnam ng fully grown marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P87,600,000.

Matapos na pagbubunutin, agad na sinunog ng mga awtoridad ang mga marijuana plants.

Walang nakita o nahuling cultivator ang mga otoridad sa naturang taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso