P114B pondo sa railway, sagot sa transport problems!

P114B pondo sa railway, sagot sa transport problems!

September 4, 2022 @ 10:06 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa si House Majority Leader Mannix Dalipe na umpisa nang masosolusyunan ang malaking problema ng bansa sa transportasyon kasunud ng pagpopondo sa railway ng mahigit sa P114B sa ilalim ng2023 budget, ang nasabing pondo ay 5 beses na mataas kumpara sa P23.12B noong nakaraang taon.

Ayon kay Dalipe ang malaking pondo ay para sa big ticket projects kabilang ang pagtatayo ng 1,200 kilometers na tren na magseserbisyo sa may 4.5 pasahero kada araw.

“We are happy that the new administration’s thrust in solving our transportation problem is to expand and modernize our railways. This should have been the priority a long time ago and we would never have to endure the monstrous traffic in Metro Manila. The railway is still the easiest and fastest way to transport people, not cars.We will not just solve our traffic problem but we can also decongest Metro Manila’s population. If we have a modern rail system. Filipinos would definitely choose to live outside of Metro Manila,” paliwanag ni Dalipe.

Sa kanyang  State of the Nation Address una nang sinabi ni Marcos na itutuloy nya ang Build, Build, Build Infrastructure program ng Duterte administration subalit sa kanyang termino ay mas tututukan na ang railway system na syang pinakamura at pinakamabilis na mode of transportation.

Ilan sa nakatakdang ipatayo sa ilalim ng Marcos administration ay ang 102-kilometer Mindanao Railway Project; Panay Railway Project at Cebu railway system bukod pa dito ang nasimulan nang  North-South Commuter Railway System; t33-kilometer Metro Manila Subway Project; 147-kilometer North-South Commuter Railway System;  12-kilometer LRT-1 Cavite Extension; 23-kilometer MRT-7 at Common Station na magkokonekta sa  LRT-1, MRT-3 at MRT-7. Gail Mendoza