P114M lotto jackpot nasolo!

P114M lotto jackpot nasolo!

December 24, 2022 @ 10:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maagang Pamasko ang natanggap ng isang solo bettor na napanalunana ang  jackpot prize para sa Mega Lotto 6/45.

Mag-uuwi lang naman ang solo bettor ng P114,327,454.00 jackpot na natamaan sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Biyernes, Disyembre 23.

Ang mga nanalong numero ay 11-21-01-12-17-03.

Samantala, 183 manlalaro ang tumama sa ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P32,000 at 6,106 na taya ang nakakuha ng ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay ibinobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Inanunsyo rin ng PCSO na hindi natamaan sa parehong draw ang grand prize para sa Ultra Lotto 6/58 na umabot sa P470,813,166.

Ang masuwerteng numero ay 40-51-35-31-27-50.

Labinlimang manlalaro ang nanalo sa ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P120,000 at 1,364 na taya ang tumama sa ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P2,000.

Ito ang pangalawang pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng lotto ng Pilipinas kasunod ng mahigit P1.1 bilyong Ultra Lotto jackpot na napanalunan ng mga bettors mula sa Albay at Samar noong Okt. 14, 2018.

Ang Ultra Lotto ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo sa ganap na 9 p.m. RNT