P116M lugi sa ekonomiya sa 2-araw na rotating brownout – Gatchalian



P116M lugi sa ekonomiya sa 2-araw na rotating brownout – Gatchalian

June 10, 2021 @ 6:31 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ibinulgar ni Senador Sherwin Gatchalian na umabot sa P116  milyon ang nalugi sa ekonomiya sa franchise area ng  Meralco lamang sanhi ng 2-araw na rotating brownout sa Luzon grid noong nakaraang linggo.

Sa kanyang  opening remarks sa ginanap na imbestigasyon kung bakit nagkaroon ng preventive shutdown sa ilang planta, sinabi ni Gatchalian noong nakaraang Mayo 31 at Hunyo 1, nagkaroon ng rotataional brownout sa maraming bahagi ng bansa na lubhang naapektuhan ang aabot sa 705,000 customer sa loob ng 2 araw.

“Sa franchise areas lamang ito ng Meralco,” ayon kay Gatchalian.

“We ran estimates, we valued [that] the two-day loss equated to P116 million in economic losses. This is only taken within the Meralco franchise, [we’re] not even talking about the economic losses experienced by the electric coops,” dagdag niya.

Pinakamalaking electricity distributiong company ang Meraclo na may franchise area na 9, 685 square kilometers na sumasakop sa 36 lungsod at 75 munisipalidad kabilang ang Metro Manila at lahat ng lalawigan ng Rizal, Cavite at Bulacan, at bahagi ng  Pampanga, Batangas, Laguna
at Quezon.

Naranasan ang rotating browners ng mga power consumers sa Luzon noong nakaraang linggo matapos ipatupad ang  National Grid Corp. of the Philippines ang manual load dropping upang mapanatili ang integridad ng kanilang sistema dahjil kapos ang suplay ng enerhiya sanhi ng
unplanned outages ng ilang power plants habang mataas ang konsumo.

“So again, two day loss, the two day brownouts, these are the rotational brownouts equated to P116 million and just to give context we’re now trying to recover from the pandemic and in fact the government is trying to reopen the economy as quick as possible. That’s why when these rotational brownouts hit the country, the first person who I saw pleading was the Secretary of Trade and Industry Secretary Mon Lopez, because he is very concerned with the reopening
of our economy,” saad ni Gatchalian.

Hiningi ng  Department of Energy (DOE) ang tulong ng Energy Regulatory Commission (ERC), Philippine Competition Commission (PCC), at Department of Justice (DOJ) sa posibleng sabwatan ng generation firms.

Ayon kay Gatchalian na higit kailangan ngayon ang tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya dahil nagsimula nang umangkat ng sariling bakuna ang pribadong sektor at local government units.

“I saw on the news that by the end of this month we will have approximately 21 million vaccines in inventory in the country. So meaning the whole country will be rolling out activities.”

“More so we need electricity to be present and continuous because of this vaccine rollout,” giit pa  niya. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •