P119M ayuda sa 24K pamilya na apektado ng baha, ulan naibigay na – DSWD

P119M ayuda sa 24K pamilya na apektado ng baha, ulan naibigay na – DSWD

January 13, 2023 @ 4:28 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa P119 milyon na halaga ng financial aid ang naipamahagi na sa nasa 24,455 na mga pamilya na apektado ng matinding pag-ulan at baha sa mga rehiyon 5, 8 at 10.

Ito ang sinabi ni Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Rommel Lopez nitong Biyernes, Enero 13.

Maliban dito, sinabi pa ni Lopez na ang ahensya ay nakapagbigay na rin ng nasa P50.245 milyon halaga ng family food packs, hygiene kits, at tents sa mga apektadong pamilya.

Sa televised briefing, sinabi ni Lopez na sapat ang suplay ng mga food packs, kung saan nasa 76,518 na kahon ang kasalukuyang nakaimbak sa kanilang warehouse sa Pasay City habang mayroon namang 21,806 standby food packs sa Visayas Disaster Resource Center.

Mayroon pa silang binabantayan na nasa 191 pamilya o 759 indibidwsal sa kasalukuyan at mayroong 65 evacuation centers sa Region 5, 9, 10 at CARAGA.

Samantala, inihayag naman ni Lopez ang pangangailangan ng matitirahan ng mga pamilyang ang bahay ay tuluyang sinira ng malakas na ulan at pagbaha

“Ang malaking problema po natin — sa datos po ng inyong DSWD — nasa 5,729 na po ang damaged houses natin. 1,242 ay totally damaged, 4,487 ay partially damaged,” aniya. RNT/JGC