P11M droga naharang sa Clark

P11M droga naharang sa Clark

December 28, 2022 @ 9:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang higit P11 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Port of Clark noong Martes, Disyembre 27.

Inaksyunan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang natanggap na tip mula sa International Cooperation Foreign Affairs Service ukol sa isang kahina-hinalang package sa Port of Clark na nagmula sa Africa noong Nobyembre 17.

Idineklarang sapatos ang laman umano nito pero nang dumaan sa x-ray scanner ay kakaiba ang nakitang laman.

Sa pisikal na pagsusuri, doon na tumambad ang nakabalot sa plastic, carbon paper at itim na duct tape na 10 pakete na may lamang higit isang kilo ng hinihinalang shabu.

Itinurnover na ng Bureau of Customs ang mga nasabat na droga sa PDEA.

Kakasuhan ng PDEA ang consignee ng package na taga-Taguig City. RNT