P11T utang ng bansa sapat upang mamahagi ng ayuda – solon

P11T utang ng bansa sapat upang mamahagi ng ayuda – solon

July 7, 2021 @ 10:58 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Sa P11 trilyong utang ng bansa, “nonsensical” na sabihin ng Malakanyang na kulang sa pondo ang gobyerno, ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

“Ibinaon na tayo sa sobrang utang pero pagdating sa ayuda ay palpak at kinakalyo ang pakiramdam ng Duterte administration.” punto ni Zarate.

Aniya, umabot sa P7.9 bilyon ang utang ng bansa nitong Mayo habang P3.155 trilyon ang external debt.

“This is more than P11 trillion, but they cannot allot a measly P405 billion for Bayanihan 3 to help our suffering kababayans?” saad ng mambabatas.

“To date the Duterte administraion ramped up the volume of its weekly treasury bills and bonds offerings in recent months as domestic sources will account for P2.6 trillion out of the P3.1-trillion total borrowings programmed for 2021,” ayon kay Zarate.

Sinabi rin nito na inuuna ng gobyerno ang mga gamit pandigma kaysa pangangailan ng mga mahihirap. RNT/ELM