P12.1M lotto jackpot nasolo!

P12.1M lotto jackpot nasolo!

March 7, 2023 @ 12:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang mananaya matapos na matumbok ang 6/45 Mega Lotto jackpot nitong Lunes.

Bunsod nito, mag-uuwi ang nasabing mananaya ng P12.1 milyong jackpot prize matapos na maswerteng mahulaan ang 26-43-11-18-05-45 winning digits.

Nagsagawa rin ang PCSO ng draw para sa 6/55 Grand Lotto pero walang nakatama ng winning combination na 14-29-09-06-38-15 para sa jackpot prize na P29.7 milyon. RNT