P12.5M iligal na droga, nasamsam sa Port of Clark

P12.5M iligal na droga, nasamsam sa Port of Clark

November 30, 2022 @ 11:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang halos P12.5 milyong halaga ng iba’t ibang uri ngipinagbabawal na gamot.

Batay sa ulat nitong Miyerkules, inihayag ng BOC na nasabat ang mga kontrabando matapos dumaan sa X-ray inspection at profiling ng pantalan nitong Martes ang mga pakete ng droga.

Ilan sa mga kontrabandong nasamsam ang high-grade marijuana, ecstasy, at iba pang party drugs na nakalagay sa mga pakete ng pagkain at fish net.

Ipinaubaya na sa headquarters  ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III ang mga kontrabando. RNT/SA