P12.9M jackpot sa lotto, nasolo

P12.9M jackpot sa lotto, nasolo

June 10, 2022 @ 9:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang mananaya ng Lotto 6/42 makaraang mahulaan nito ang winning combination sa katatapos na draw kagabi.

 

Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang maswerteng ticket mula sa isang outlet sa Las Piñas City na may kombinasyon na 39-33-18-01-24-36 na may premyong P12,998,501.00.

 

Habang 18 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P24,000.00 matapos na makakuha sila ng limang kombinasyon.

 

Hindi naman nahulaan ng mga mananaya ang kasabay na bola na Superlotto 6/49 na may kombinasyon na 07-23-17-37-05-46 na may premyong P44,071,900.40.

 

Subalit 12 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P50,000.00 matapos na makakuha ng tig limang kombinasyon.

 

Hunyo 1, unang tinamaan ng tatlong mananaya mula sa San Jose Del Monte, Bulacan; Silang, Cavite at Sta. Rosa, Laguna ang Lotto 6/42 na may winning combination na 25-20-29-07-21-02 na may premyong P43,912,343.80 na may premyong P43,912,343.80.

 

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado.

 

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja