P120M suspected smuggled meat, seafood products nasabat!

P120M suspected smuggled meat, seafood products nasabat!

March 19, 2023 @ 8:39 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensya ng gobyerno ang nasa P120 milyon halaga ng mga karne at seafood products na pinaniniwalaang smuggled.

Ang BOC, kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture, National Meat Inspection Service, at Philippine Coast Guard, ay nagkasa ng serye ng mga raid sa pitong warehouse sa Navotas City nitong Biyernes, Marso 17.

“Upon inspection of the warehouses, the team found various poultry products, such as frozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, balone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, golden pampano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, and pork ears,” pahayag ng BOC nitong Sabado.

Ayon sa BOC, ang ilan sa mga seafood na ito ay mula sa China, ang beef naman ay mula sa Brazil at Australia habang ang mga karneng baboy ay mula Russia at Estados Unidos.

Napag-alaman din na ang warehouse ay ni-repurpose para maging isang cold storage facility.

“They then proceeded to temporarily padlock and seal the warehouses, including the empty storage facility, the keys of which were turned over to the barangay officials present during the inspection,” pahayag pa ng ahensya.

Hiningian na ng kaukulang dokumento o proof of payment ng BOC ang may-ari ng mga produkto.

“If found without proper documents, the corresponding seizure and forfeiture proceedings will be conducted against the subject shipments for violation of Sec. 1400 (misdeclaration in goods declaration) in relation to Sec. 1113 (property subject to seizure and forfeiture) of Republic Act No. 10863 known as the Customs Modernization and Tariff Act,” pagtatapos ng BOC. RNT/JGC