P122M halaga ng shabu nakumpiska sa Cebu

P122M halaga ng shabu nakumpiska sa Cebu

October 3, 2022 @ 5:15 PM 2 months ago


CEBU CITY – Nakumpiska ng mga otoridad ang aabot sa P122.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Busay, Cebu City ngayong Lunes, Oktubre 3.

Tumitimbang ang nakuhang shabu ng aabot sa 18 kilo.

Ayon sa Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), nakatakas ang suspected drug dealer ng matunugan nito na undercover police ang katransaksyon.

Sinubukan pang habulin ng pulis ang suspek ngunit naharangan ng isang habal-habal dahilan para tuluyan makatakas ito.

Narekober ng otoridad ang isang Toyota Innova na sasakyan nito at ang sako na naglalaman ng hinihinalang 16 kilo ng suspected shabu.

Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng pulisya upang malaman kung kasabwat ba ang habal-habal driver o nagkataon lamang na napadaan at naging dahilan para maharangan ang pulis na humahabol sa suspek. RNT/JGC