P125 barya ni Rizal ubos agad – BSP

P125 barya ni Rizal ubos agad – BSP

March 12, 2022 @ 1:40 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na naabot na ang order quota para sa pagbebenta nito ng P125 commemorative coins bilang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.

Nangangahulugan ito na ang mga order para sa mga commemorative coins ay sarado na.

Sa kanilang Facebook page, sinabi ng BSP na ang 125-piso commemorative coin ay nagpapakita kay Dr. Rizal bilang isang pandaigdigang bayaning Pilipino.

“His life and legacy serve as inspiration for people from all walks of life,” ayon sa BSP.

Ang commemorative coin ay 34 millimeters ang diameter at gawa sa  Nordic gold.

“[It] features the portrait and signature of Dr. Rizal, the inscriptions 125 years and martyrdom of Jose Rizal on its obverse side and also features the Rizal Monument, the BSP logo, the inscriptions 125 Piso and Republika ng Pilipinas on its reverse side,” sabi ng BSP. Jocelyn Tabangcura-Domenden