P125/kilo suggested retail price ng sibuyas, target ng DA

P125/kilo suggested retail price ng sibuyas, target ng DA

February 6, 2023 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Target ng Department of Agriculture (DA) ang mas mababang suggested retail price (SRP) para sa sibuyas sa P125.

Sinabi ito ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez sa pagdating ng imported onions aat inaasahang peak ng onion harvest season.

Inihayag ni Estoperez na para tiyakin na bababa ang retail prices, kinokonsidera ng departmeno na itakda ang suggested retail price na P125 kada kilo. Aniya, mahigpit na babantayan ang mga pamilihan.

Subalit, inamin niya na may posibilidad na hindi susundin ang SRP.

“Opo, P125, ang problema po namin ngayon, may P125 tayo na SRP — yan ba ay susundin naman?” aniya nang tanungin kung balak ng DA na ipilit ang SRP.

Sa kasagsagan ng kakulangan sa supply, umabot sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa ilang parte ng bansa.

Para tugunan ito, nag-angkat ang bansa ng sibuyas sa gitna ng pagsisimula ng harvest season.

Inaprubahan ng DA ang pag-aangkat ng 21,000 metric tons ng sibuyas, kung saan dumating na ang unang shipment nito. RNT/SA