P128B PNP revitalization fund, oks sa Kongreso

P128B PNP revitalization fund, oks sa Kongreso

June 7, 2021 @ 7:10 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Kongreso ang hiling na P128-billion pondo ng Philippine National Police (PNP) para sa 10 taong Revitalization and Capability Enhancement Program nito simula 2022.

“I attended committee hearings of the House of Representatives Committee on Public Order and Safety and I am so lucky that under my term, the program was approved,” ani PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Paliwanag ni Eleazar pinagbigyan ng Kongreso ang kahilingan na pondo na hahatiin sa P20 bilyon sa 2022 at 2023, at tig-11 bilyon naman sa susunod na walong taon.

Ang Senate Bill 2004 ay ipinanukala ni Senator Ronald Dela Rosa, dati ring PNP chief, noong Enero.

“These amounts will cover the basic equipage fillup of the police force in terms of its move, shoot, communicate, and investigate capabilities. We expect that at the end of this 10-year period, our basic equipage requirement will be complete,” ani Eleazar.

Ang nasabing pondo ay gagamitin para sa pagpapagawa ng 400 pang police station.

Palalakasin din ng pondo ang mga crime laboratory sa probinsya, custodial facilities, training institutions, barracks facilities, at hospitals.

Pasok din sa budget ang ipinamamahaging basic handgun para sa mga bagong recruit na makasasama sa nasabing panahon.

“That also includes four helicopters and four fixed wings plus the mobility assets or re-fleeting because they are changed every five years. We thank President Rodrigo Roa Duterte and Congress for providing for the needs of the PNP,” dagdag pa ni Eleazar.

Ang Revitalization and Capability Enhancement Program ay isinumite ng PNP sa Kongreso noong 2019. RNT