P12M halaga ng heavy equipment sinunog ng NPA

P12M halaga ng heavy equipment sinunog ng NPA

November 7, 2022 @ 7:28 AM 4 weeks ago


NEGROS OCCIDENTAL- Tinatayang aabot sa halagang P12 milyon ang sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group-New People’s Army (CTG-NPA) noong Sabado sa bayan ng Candoni.

Ayon kay Police Major Ronald Santillan, hepe ng Candoni Municipal Police Station, gabi nang lusubin ng higit sa 10 pinaniniwalaan rebeldeng NPA ang bunkhouse ng Silver Dragon Construction Incorporated sa Purok Magboto, Barangay Cabia-an, ng nasabing bayan.

Ayon ng ilang trabahador, naghahapunan sila ng loob ng bunk house ng bigla na lamang dumating ang mga armadong kalalakihan ay sinilaban ang kanilang backhoe at pison o road roller habang pinaghahampas naman ang windshield ng dalawa pang heavy equipments.

Bago tumakas ang mga suspek nagsalita pa ang mga ito ng “matigas ang ulo ng amo nyo.”

Sinabi ni Santillan na posibleng humihingi ng revolutionary tax o nangingikil ang mga suspek sa may-ari ng kompanya subalit tumangging magbigay hanggang sa nakatanggap na rin ng pagbabanta sa kanilang buhay.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pulisya at militar para sa ikadarakip ng mga suspek. Mary Anne Sapico