P12M ismagel na sibuyas, nasabat ng BOC-Port of CDO

P12M ismagel na sibuyas, nasabat ng BOC-Port of CDO

July 21, 2022 @ 1:53 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P12 milyon halaga ng mga ismagel na sibuyas na nagmula sa bansang China ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cagayan De Oro sa isinagawang operasyon sa PHIVIDEC Compound, Tagoloan, Misamis Oriental.

Nabatid sa BOC, dumating ang apat na container mula sa bansang China nitong Hulyo 12, 2022 na naka-consigned sa Primex Export and Import Producer kung saan idineklara nila ito na naglalaman ng “Spring Roll Patti” gaya ng nakasaad sa Inward Foreign Manifest nito.

Noong Hulyo 13, agad na naglabas ng Pre Lodgment Control Order (PLCO) si District Collector Atty. Elvira Cruz laban sa subject shipment.

Sa isinagawang pagsusuri, nabuking na naglalaman ng pula at puting sibuyas ang mga nasabing kargamento na taliwas sa deklarasyon nito na tinatayang nagkakahalaga ng P 12,000,000.

“A Warrant of Seizure and Detention (WSD) will be issued against the shipment for violation of Section 1400 of RA 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act,” saad ng BOC. JAY Reyes