P13.273B proposed 2023 budget ng NEDA, aprub na sa Senate panel

P13.273B proposed 2023 budget ng NEDA, aprub na sa Senate panel

October 5, 2022 @ 6:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ng Senate Committee on Finance ang proposed P13.273-bilyon budget ng National Economic and Development Authority’s (NEDA) para sa 2023.

Kasabay ng budget hearing nitong Miyerkules, Oktubre 5, sinabi ni committee chairman Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara na ang proposed budget ay ipapadala sa plenaryo para sa final approval.

Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) sa 2023, binigyan ng P13.273-bilyon ang NEDA at attached agencies nito mas mababa ng 6.04% mula sa P14.126-bilyon sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA).

Malaking bahagi sa nasabing halaga ay mapupunta sa Philippine Statistics Authority (PSA) na may P9.866-bilyon sinundan ng Office of the Secretary na may P2.211-bilyon at Commission on Population and Development (POPCOM) sa P542.324 milyon.

Ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ay makatatanggap ng P254.609 milyon alokasyon, ang Public-Private Partnership (PPP) Center sa P209.176 milyon, at ang Tariff Commission (TC) na may P92.749 milyon pondo.

P63.092 milyon ang mapupunta sa Philippine Statistical Research and Training Institute (PSRTI) samantala sa Philippine National Volunteer Services Coordinating Agency (PNVSCA) ay mabibigyan ng P32.937 milyon.

Ayon kay Angara, ang proposed P5.628-trillion 2023 budget ay target na mapirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kalagitnaan ng Disyembre. RNT/JGC