P13.2B iligal na droga nakumpiska ng PNP, PDEA mula Mar. 6-19

P13.2B iligal na droga nakumpiska ng PNP, PDEA mula Mar. 6-19

March 28, 2022 @ 11:12 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes na na nakumpiska ng mga awtoridad ang P13.2 bilyong halaga ng iligal na droga mula Marso 6 hanggang 19.

Ayon sa DILG, ito ang pinakamalaking halaga na nasabat mula sa iligal na droga sa loob ng dalawang linggo sa kasaysayan ng anti-illegal drugs program ng pamahalaan: 1,775.2 kilo ng shabu at 421.5 kilo ng marijuana.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na isa sa malalaking operasyon ay ang isinagawa sa Karuhatan, Valenzuela noong Marso 8, kung saan 160 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.08 bilyon ang nasamsam mula sa isang Chinese national at Pilipinang naaresto.

Naitala naman ang ikalawang pinakamalaking anti-illegal drugs operation sa Infanta, Quezon noong Marso 16 kung saan 1,600 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P12 bilyon ang nakumpiska mula sa w10 suspek.

Pumalo naman sa 1,794 drug raid ang isinagawa sa naturang two-week period kung saan dalawang suspek ang namatay, 2,471 ang naaresto, at 61 ang sumuko.

Hinikayat naman ni Año ang Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency na ams palakasin ang kanilang operasyon at targetin ang malalaking drug syndicates.

“I urge our drug enforcement agencies to further intensify their operations and target big drug syndicates so we can protect and save our people and our country from the ill effects of illegal drugs,” aniya. RNT/SA