P13.5M halaga ng ismagel na sigarilyo nasabat ng PCG

P13.5M halaga ng ismagel na sigarilyo nasabat ng PCG

November 10, 2022 @ 3:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang aabot sa P13.5 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa PMI Wharf, Baliwasan Seaside, Zamboanga City.

Ayon sa PCG, nakatanggap ng ulat ang PCG Station Zamboanga na lulan ng motorbanca na Shermina Express na pag-aari ni Ben Tab na may business address sa Alu Duyong, Lugus, Sulu ang naturang ismagel na mga sigarilyo.

Nagtungo naman ang PCG team sa nasabing lokasyon upang kumpirmahin ang ulat at nadiskubre ang mga sako na puno ng ismagel na sigarilyo sakay sa motorbanca.

Nasa pag-iingat na ngayon ng BOC ang nasabat na mga ismagel na sigarilyo para sa imbestigasyon at tamang disposisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden