P13.6M ‘shabu’ nasabat sa Naga buy-bust

P13.6M ‘shabu’ nasabat sa Naga buy-bust

January 20, 2023 @ 4:52 PM 2 weeks ago


LEGAZPI CITY— Nakumpiska ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon sa isang buy-bust operation sa Naga City, nitong Huwebes ng gabi.

Naaresto ang mga susupek na kapwa residente ng Sitio Uno, Patimbao, Santa Cruz, Laguna, dakong alas-9:11 ng gabi sa Diversion Road, Zone 5, Barangay Tabuco matapos ibenta ang drug items sa isang poseur buyer at informant. 

Nabili ng mga operatiba ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon mula sa mga suspek.

Subalit, nang halughugin ang mga sasakyan ng mga suspek, nadiskubre ng mga awtoridad ang bag na naglalaman ng 1,500 gramo ng hinihinalang droga, pera, at sling bag na may lamang ammunition at isang wallet na may identification cards ng mga suspek.

Mahaharap sa drug charges ang mga suspek, na mag-asawa. RNT/SA