Vergeire: Daily average ng COVID vases sumampa na sa halos 4,000

August 15, 2022 @5:46 PM
Views:
2
MANILA, Philippines- Pumapalo na sa halos 4,000 ang average na arawang bilang ng bagong COVID-19 cases sa bansa, ayon kay Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Lunes.
Mula Agosto 3 hanggang 9, ang daily reported infections ay may average na 3,993. TANg bilang na ito ay mas mataas ng 12 porsyento kumpara sa average noong nakaraang linggo.
“Nationally, [COVID-19] cases continue to increase, now averaging at 3,993 cases per day in the recent week,” aniya sa Senate committee hearing on health and demography.
“Note that the seven-day moving average is almost twice the cases we reported less than a month ago at 2,258 cases per day,” dagdag niya.
Sa kabila ng paglobo ng bilang ng mga impeksyon, nananatili ang Pilipinas sa low risk para sa COVID-19, base kay Vergeire. RNT/SA
Pinas nakapagtala ng 28,008 bagong COVID cases mula Agosto 8-14

August 15, 2022 @5:44 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala pa ng 28,008 na bagong kaso mula Agosto 8 hanggang Agosto 14.
Sa lingguhang case bulletin, sinabi ng DOH na ito ay 3 porsyentong mataas kumpara sa 27,331 kaso na naitala naman mula noong Agosto 1 hanggang Agosto 7.
Ang daily average ay tumaas din sa 4,001 mula sa nakaraang 3,904.
Mayroon ding 229 karagdagang pagkamatay, 98 dito ay nangyari noong Agosto, 129 noong Hulyo, isa noong Hunyo, at isa noong Setyembre 2021 ayon pa sa DOH.
Ipinakita rin ng datos na 822 malubha at kritikal na mga kaso ang kasalukuyang tinatanggap o 9.6% ng kabuuang COVID-19 admission.
Samantala, sa 2,571 intensive care unit (ICU) beds, 719 o 28% ang okupado habang 6781 o 30.9% ng 21,968 non-ICU CoVID-19 beds ang ginagamit.
Dagdag pa ng DOH, may 101 bagong severe at critical cases .Ito ay 0.36% ng bagong kaso na iniulat ngayong linggo.
May kabuuang 72,107,090 indibidwal o 92.33% ng target na populasyon ng gobyerno ang ganap na ngayong nabakunahan laban sa COVID-19.
Sa bilang na ito, 208,369 ang nabakunahan mula Agosto 8 hanggang Agosto 14.
Samantala, hindi bababa sa 6.7 milyong senior citizen, o 77.96% ng target na populasyon ang nakatanggap din ng kanilang pangunahing serye ng bakuna.
Nabatid din ng DOH na 17,015,413 indibidwal ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot kung saan, 412,316 ang nakatanggap ng noong nakaraang linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden
‘Outdated, pricey’ laptops probe ipinag-utos ni VP Sara

August 15, 2022 @5:33 PM
Views:
7
MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang imbestigasyon sa 2021 procurement ng umano’y “overpriced and outdated laptops” sa pammaagitan ng Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM), ayon sa DepEd nitong Lunes.
Sa isang press conference, sinabi ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing na nagsumite ang departamento nitong Lunes ng fraud audit request sa Commission on Audit sa laptop issue.
“Since most of the information is beyond us, considering that these are PS-DBM transactions, and considering that these were transactions done by the previous officials, the Vice president and Secretary Sara Duterte has already permitted us to write a letter to Atty. Jose Calida, Chairperson of COA, to ask him for a fraud audit from COA,” aniya.
Batay sa 2021 audit report, sinita ng COA ang DepEd sa pagbili ng P2.4 bilyong halaga ng mga laptop sa pamamagitan ng PS-DBM kahit na mayroon naman umanong mas mainam at ams murang pagpipilian.
“Isa sa pinaka-importanteng proseso ng pag-procure ay ‘yung tinatawag nating market scanning. Ibig sabihin nito, kapag nagpo-procure ka, bago bumili, kailangan ang ahensya, in this case, PS-DBM, kailangan nagtatanong sa merkado kung magkano ba itong laptop na ito na ganito ang specification. Nung bumalik sila sa Technical Working Group, inilabas itong presyo na P58,000,” sabi ni Densing.
“The reason why we’re asking COA for a fraud audit is the reason why it was downgraded from 1.9 gigahertz to 1.8 gigahertz, and at the same time tumaas din ‘yung presyo [why the price increased], and why is it IntelCeleron because we were very specific in the specifications of the laptop,” patuloy niya.
Iginiit niya na hindi matukoy ng DepEd kung mayroon anomalya sa pagbili ng laptops hangga’t hindi sinasagot ng PS-DBM ang mga alegasyon.
“Nung nalaman namin ‘yan, nakakaramdam din kami ng galit kung sakaling totoo ‘yan at ayaw namin itong mangyari. Kaya ang direktiba sa’min ni Secretary Sara na paimbestigahan niyo na ‘yan para makita kung may iba pang kalokohan o wala,” paglalahad ni Densing.
Sinabi pa ni Densing na simula ngayon, bibili ang DepEd ng mga gamit nito sa pamamagitan ng sarili nitong Procurement Service Team. RNT/SA
KMP: ‘Sugar mafia’ buwagin; Kapakanan ng mga manggagawa unahin

August 15, 2022 @5:26 PM
Views:
7
MANILA, Philippines- Hiniling ng militanteng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa pagdinig ngayon ng Kongreso sa “sugar scandal” na isipin umano ng mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ang kapakanan at kalagayan ng mga magsasaka at manggagawa sa industriya ng asukal at mga mamimili.
Ayon sa KMP tinatayang 700,000 manggagawang bukid sa mga asyenda ng tubo at 24,000 manggagawa sa mga sugar mill ang apektado ng matagal na krisis sa asukal.
Sa press statement ng KMP sinabi ng grupo na sa Negros, nasa 310,000 sugar farmworkers at 18,000 sugar mill workers ang apektado ng kawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa seasonal dead season sa pagitan ng pagtatanim at pag-aani o Tiempo Muertos sa mga plantasyon ng asukal. “Taon-taon, ang mga manggagawa sa asukal ay nagtitiis ng gutom at kahirapan sa panahon ng patay habang ang mga walang prinsipyong opisyal ay hindi makapaghintay na kumita ng kita mula sa pag-aangkat ng asukal.”
Kaugnay nito sisiyasatin ng House committees on good government and public accountability, at committee on agriculture and food ang kautusan umano ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na nagpapahintulot sa pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal kasunod ng pagtaas ng presyo ng domestic sugar sa P100 kada kilo nitong unang bahagi ng buwan.
Nauna rito magugunitang tinanggihan ni Pangulong Marcos Jr. ang hindi pagpapahintulot sa importasyon ng asukal dahilan umano para malagay sa balag ng alanganin ang SRA.
“The government’s importation policy remain as the biggest fiasco within the Sugar Regulatory Administration and the Department of Agriculture. Importation have been synonymous to corruption. May mga kumikita talaga at kumakapal ang bulsa dahil sa mga kontrata sa importasyon ng asukal, bigas at iba pang agricultural products . Labas pa dito ang kinikita ng mga protektor ng smugglers na nasa gobyerno,” ayon kay dating agrarian reform secretary Rafael Mariano. Ang mga pinuno ay dapat na patuloy na gumulong sa SRA at sa DA. “Dapat gamitin ni Marcos Jr. ang political will para mapigil at mabunot ang importasyon at smuggling mafia sa loob ng DA.”
Idinagdag pa ni Mariano: “Dapat ding tapat na gamitin ng Kongreso ang kapasidad sa pangangasiwa nito at tukuyin na ang mga dekada ng liberalisasyon at importasyon = humantong sa pagbaba at malapit na pagkasira ng domestic agriculture. Kailangan natin ng higit pang mga batas na tunay na magpapaangat sa estado ng lokal na agrikultura at mga producer ng pagkain, lalo na ang mga magsasaka,” sabi ng dating mambabatas. Santi Celario
Population growth, ‘manageable’ sa pamamagitan ng nat’l programs

August 15, 2022 @5:20 PM
Views:
7