P13.8M shabu galing Bangkok, naharang ng mga awtoridad

P13.8M shabu galing Bangkok, naharang ng mga awtoridad

January 9, 2023 @ 10:26 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Customs noong Linggo na nakumpiska nito ang P13.8 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o “shabu” mula sa Bangkok, Thailand.

Dumating ang ilegal na droga noong Enero 2 sa isang parcel na may label na “microserver double stairless ceramic.”

Subalit, nadiskubre sa loob ng parcel ang apat na piraso ng 3-litro na stainless sports jugs na naglalaman ng mga substance na nakabalot sa plastic at aluminum foil.

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang substance ay methamphetamine hydrochloride o ‘shabu.’

Dahil dito, naaresto ang dalawang claimant mula sa Pasay City matapos ang joint delivery operation ng PDEA, Bureau of Customs-Port of Clark, at Ninoy Aquino International Airport. RNT/SA