P130M Super Lotto jackpot mailap-PCSO

P130M Super Lotto jackpot mailap-PCSO

October 7, 2022 @ 10:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang pinalad na matumbok at maiuwi ang sa 6/49 Super Lotto at 6/42 Lotto jackpots nitong Huwebes, Okt. 6, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Batay sa resulta ng 9pm draw, sinabi ng PCSO na walang tumama sa P130-M jackpot para sa Super Lotto 6/49 at P32-M naman para sa Lotto 6/42.

Lumabas ang winning combination para sa Super Lotto 6/49 na 20 – 02 – 41 – 17 – 22 – 04.

May kabuuang jackpot prize ito na P130,721,836.40.

Para sa Lotto 6/42 na may kabuuang jackpot na P32,944,153.80, ang winning combination ay 10 – 09 – 14 – 16 – 28 – 39.

Batay sa summary ng mga nanalo na inilabas ng PCSO, mayroong 31 second-prize winners para sa Super Lotto 6/49. Nanalo sila ng tig-P50,000.

Para sa Lotto 6/42, mayroon ding 40 nanalo para sa ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P24,000 bawat isa. RNT