P132K marijuana nasabat sa Navotas buy-bust, 1 arestado

P132K marijuana nasabat sa Navotas buy-bust, 1 arestado

July 23, 2022 @ 12:04 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P132,000 ang halaga ng pinatuyong dahon ng marijuna ang nasabat ng mga awtoridad sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspeki na si Armando Roque alyas “Jhake”, 25 ng 169 S. Roldan St., Brgy. Tangos South, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Leongson St., Brgy., San Roue matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng illegal na droga ang suspek.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P13,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang large brick ng marijuana ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 1,100 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P132,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 12 pirasong P1,000 boodle money, hand bag. body bag at P500 recovered money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura