P133M pondo ng DSWD pandagdag ayuda sa LGUs na sinalanta ni ‘Maring’

P133M pondo ng DSWD pandagdag ayuda sa LGUs na sinalanta ni ‘Maring’

October 14, 2021 @ 7:02 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dagdagan ang ayudang ipinamamahagi ng local government units (LGUs) sa mga residenteng nasapul ng pananalasa ni Tropical Storm Maring upang tiyakin na ang mga apektadong pamilya ay makakakuha ng relief assistance.

Sa ulat ng DSWD, mayroon itong P133 million standby funds sa kanilang central office at field offices.

“A total of 381,893 family food packs (FFPs) are already in already distributed in various parts of the country,” ang nakasaad sa kalatas ng DSWD.

“As of Tuesday,” mayroong 2,137 pamilya o 7,842 indibiduwal ang apektado ng bagyong “Maring” sa National Capital Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region.

Sa nasabing bilang, 762 pamilya o 2,536 katao ang kasalukuyang nasa temporary shelter sa 58 evacuation centers.

Ang DSWD’s Quick Response Teams sa mga apektadong rehiyon ay aktibo at nananatiling nasa alert status na makipagtulungan sa kinauukulang LGUs para tulungan ang kani-kanilang mga nasasakupan. Kris Jose


  •  
  •  
  •