P136K shabu nakumpiska

P136K shabu nakumpiska

November 4, 2022 @ 10:43 AM 1 month ago


MAGUINDANAO – Umabot sa P136,000.00 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad nitong Huwebes, Nobyembre 3 sa lalawigan ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Datu Ali Savedra Andal alyas Tho/Dhats/Datu, 34-anyos, at residente ng Barangay Pigcalagan, Sultan Kudarat.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA-BARMM. Sultan Kudarat MPS, NBI BARMM, HPG BARMM, at PNP MARITIME, bandang 3:00 PM nadakip ang suspek sa Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nakuha sa suspek ang 6 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng higit sa 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱136,000, buy-bust money, 1 mobile phone, 1 gray coin purse, identification card, at Raider 125 FI Suzuki motorcycle na ginamit ng suspek.

Tugis naman ng pulisya ang kasama ng suspek na si alyas Buhari na mabilis na nakatakas ng matunugan ang presensya ng pulisya.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico