P136M shabu nasamsam sa Parañaque

P136M shabu nasamsam sa Parañaque

September 15, 2020 @ 2:20 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang suspek matapos mahuli sa akto sa isang buy-bust operation sa Parañaque City nitong Lunes, Setyembre 14.

Kinilala ang mga suspek na sina Mangie Sotolombo, 49, residente ng Pasay City at si Carlos Vallente, 27, residente ng Tarlac.

Narekober ang 20-kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P136 milyon at isang cellular phone.

Sa ngayon, nasa kostodiya ng PDEA ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...