P142.5M jackpot sa GraandLotto 6/55 paghahatian ng 2 winner

P142.5M jackpot sa GraandLotto 6/55 paghahatian ng 2 winner

January 8, 2023 @ 12:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Dawalang maswerteng mananaya ng GrandLotto 6/55 ang maghahati makaraang mahulaan ng mga ito ang winning combination sa ginanap na draw kagabi.

Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nahulaan ng dalawang mananaya ang kombinasyon ng GrandLotto 6/55 na 44-13-19-33-27-39 na may premyong P142,580,483.20.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, nabili ang isang isang tiket mula sa isang outlet sa Calamba Laguna habang ang isa ay sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Nasa 34 na indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P100,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon. Toto Nabaja