P149B ‘pork funds’ sa 2023 budget pinuna

P149B ‘pork funds’ sa 2023 budget pinuna

September 30, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pagkabahala ang isang mambabatas dahil sa di-umano ay P100 bilyon ‘pork barrel’ funds sa 2023 national budget na inaprubahan ng Kamara.

Ito umano ay ang P149 bilyon lump sum allocation na sinelyuhan bilang “Support for Infrastructure Projects and Social Programs” ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel.

“Kapag dumating na yung fund sources para doon sa P149 billion, it would be Malacañang and not Congress would decide kung saan mapunpunta yung pera na ‘yon,” paliwanag ni Manuel sa panayam ng ANC.

“Yung discretionary funds, it can be a very dangerous allocation, lalo na’t naba-bypass yung power ng Congress, supposedly it has the power of the purse… and we must not delegate that power to the executive branch, to the president or the Cabinet,” dagdag pa niya.

Bago pa nito ay pinuna na rin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang SIPSP funds.

“Dahil walang detalye, on the discretion of the Office of the President, pinapalagay namin dahil discretion yan, that is pork… Di ba pinagbabawal yung discretion?”

Ipinaliwanag naman ni Marikina Rep. Stella Quimbo na ang Pangulo ang magbibigay ng direktiba kung saan gagamitin ang SIPSP fund.

“Ang sabi po natin, ito based on a policy direction, hindi po discretion… Magbabalangkas po ang ating pangulo ng isang polisiyang siyang aakysunan ng ahensiya,” ani Quimbo. RNT/JGC