P14B pension ng military retirees inilabas na – DBM

P14B pension ng military retirees inilabas na – DBM

January 13, 2023 @ 1:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang nasa P14 bilyon na pondo para sa regular pension requirements ng mga military retiree.

Ito ang pahayag ng ahensya nitong Biyernes, Enero 13 kung saan sinabi ni
Budget Secretary Amenah Pangandaman na inaprubahan nitong Huwebes, Enero 12 ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P14,025,351,666 to para sa Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang SARO at Notice of Cash Allocation (NCA) ay sasakop sa pension requirements mula Enero hanggang Marso 2023.

“It is our responsibility to make sure that our retirees, as well as their families, always get the benefits entitled to them,” sinabi ni Pangandaman.

“This is the least we can do to show them our sincerest gratitude and respect,” dagdag pa niya.

Ayon sa DBM, ang pondo ay kukunin sa Pension and Gratuity Fund (PGF) sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Batay sa AFP payroll records hanggang nitong Disyembre 31, 2022, sinabi ng DBM na mayroong 137,649 pensioners ang makatatanggap ng pensyon para sa unang bahagi ng 2023. RNT/JGC