P15.8M jackpot sa Super Lotto 6/49 nasolo

P15.8M jackpot sa Super Lotto 6/49 nasolo

August 3, 2022 @ 8:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Natumbok ng isang mananaya ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 makaraang makuha nito ang anim na kombinasyon sa katatapos na draw nitong Martes ng gabi.

Sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang maswerteng ticket mula sa isang outlet sa Balagtas, Bulacan.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at GM Mel Robles, nahulaan ng mananaya ang winning combination na 28-45-09-12-21-19 na may premyong P15,840,000.

Nasa 29 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P50,000 makaraang makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo. Toto Nabaja