P150M secret funds ng DepEd, aprub ng Senado

P150M secret funds ng DepEd, aprub ng Senado

November 15, 2022 @ 8:42 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senado nitong Lunes ng gabi ang panukalang P667.18 bilyong badyet ng Department of Education (DepEd) kabilang ang lahat ng attached agencies nito sa 2023 at hiniling na P150 milyong confidential funds.

Sa ginanap na debate sa plenaryo, masugid na isinulong ni Senador Risa Hontiveros na ilagay ang secret funds ni Vice President Sara Duterte, kalihim ng DepEd sa pagsasabing “no extraordinary compelling reasons” na aprubahan ang naturang pondo.

“What to do with the DepEd confidential fund remains a question. And so at the proper time, because it was expressed by the DepEd leadership na iiwan nila sa Kongreso ‘yung halaga ng fund na ito, that I hope my colleagues in the Senate will share the view that there are no extraordinarily compelling reasons to provide a confidential fund to the Education agency,” aniya.

“So at the proper time, I will make the proper time. I will make the proper proposed motion, proposed amendment on the realignment,” giit ni Hontiveros.

Dumalo si Duterte, tumatayong kalihim ng ahensiya sa ginanap na plenaryo na naunang nagsabing kanyang susundin ang anumang desisyon ng Kongreso sa naturang kontrobersiyal na pondo.

Sa pahayag, sinabi ng DepEd na pinapaygan ang confidential expense sa lahat ng civilian offices kabilang ahensiya.

“The threats to the learning environment, safety, and security of DepEd personnel are interlocking with the mandate of support to the national security of civilian offices,” ayon sa kalatas ng DepEd.

Samantala, nagpasalamat ang DepEd sa mga senador sa pag-apruba ng panukalang badyet sa susunod na taon sa pagsasabing titiyakin ng aheniya ang landas patungo sa pagbabangon dulot ng sapat na pondo. Ernie Reyes