P15K cash aid hirit ng mga magsasaka kay PBBM

P15K cash aid hirit ng mga magsasaka kay PBBM

August 26, 2022 @ 11:26 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Humihingi ang ilang grupo ng mga magsasaka sa administrasyong Marcos ng one-time cash aid na P15,000 sa gitna ng tumataas na halaga ng pagkain at mga gamit sa sakahan.

Sa isang forum nitong Huwebes, sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman emeritus Rafael Mariano na makikinabang ang nasa 3 milyong magsasaka ng palay sa kanilang hinihiling nilang cash dole out.

Suhestyon ni Mariano na maaaring kuhanin ang pondo para rito mula sa mga rice tariffs na nagkakahalaga ng halos ₱9. bilyon.

Dahil dito, masasagot ng gobyerno ang kalahati ng gastos sa produksyon ng mga magsasaka sa ₱30,000 kada ektarya ng lupang sakahan, dagdag niya.

Sa Oktubre, ang Masagana 150 at Masagana 200 ay magbibigay ng tulong sa pautang sa mga magsasaka upang makatulong sa pagtaas ng kanilang ani at sana ay mapababa ang halaga ng mga bilihin.

Gayunpaman, sinabi ni Mariano na ang muling binuhay na programang ito ay magpapalubog lamang sa mga magasasaka sa utang.

Nauna nang naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit ₱8 bilyon para pondohan ang ₱5,000 subsidy para sa 1.5 milyong magsasaka ng palay. RNT